Miyerkules, Agosto 24, 2011

ang BUWAN ng WIKA :P






     Si Manuel L. Quezon ang sinasabi na "Ama" ng Wikang Pambansa. Siya rin ang ikalawang pangulo ng ating bansa. Siya ang nagtalaga para magkaroon tayo ng araw na ito na ating ipinagdiriwang ngayon, ang Araw o Buwan ng Wika. 
   Kundi sa kanyang mga nagawa ay, hindi tayo magkakaroon ng ating sariling Wika na ginagamit natin ngayon. Mayroon tayong iba't ibang Wika na ginagamit dito sa ating bansa, merong ilocano, tagalog, kapangpangan, batangenyo, waray at iba pa.. Pero, Filipino ang ataing Wikang Pambansa natin. Ito ay may malaking pagkakatulad sa wikang tagalog na may halong konti ng ibang wika na ginagamit dito sa ating bansa.


   Kilala naman nating lahat si Gat. Jose Rizal, na ating Pambansang Bayani. Siya ay kilala nating sa pagiging matapang at ang gumawa ng malaking paraan para ang ating bansa ay makalaya sa mananakop na mga Kastila. Pinagtibay ni Rizal ang ating Wika at ginamit ito upang panglaban sa mga mananakop na Kastila.
   " Ang hindi magmahal sa sariling Wika ay mas higit pa sa isang Hayop at Malansang Isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng ating inang sa ating nagpala", kilalang kilala nating ang mga katagang ito ni Rizal. Na nagpapahiwatig ng Importansya ang ating Wika.

    
     "Ang Wika ng Ating Bansa ay masasabi natin na Kaluluwa ng ating bansa na siyang Sumisimbolo at nagbibigay Buhay sa bawat tao at mamamayan nito."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento